Nag-alay ng panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa overseas Filipino worker (OFW) na pinatay sa Saudi Arabia.
Ayon kay CBCP-Episcopal Commission for the Pastoral Care for Migrants and Itinerant People chairman at Balanga City Bishop Ruperto Santos, kapayapaan para sa kaluluwa ng singkwenta’y dos anyos na OFW ang kanilang ipinagdarasal.
Ipina-panalangin din aniya ng simbahang katolika na bigyan ng katatagan ang pamilya ng Pinoy at magtiwala sa Diyos.
Dagdag ni Santos, umaasa sila na mabibigyan ng Pilipinas at Saudi Arabia ng katarungan sa pagkamatay ng OFW at agad mahuhuli at mapaparusahan ang sinumang nasa likod ng krimen.