Nagbabala rin sa mga pari at obispo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa pag-endorso ng mga kandidatong tatakbo sa May 2022 National and Local elections.
Sa naging pahayag ni CBCP Vice President at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, dapat na maging kalmado at hindi nakikisali sa pulitika at pag-eendorso ng kandidato ang mga lider ng simbahan.
Ayon kay Vergara, karapatan ng bawat mamamayan, kabilang na ng mga Pari at Madre na pumili ng kandidato na kanilang iboboto sa halalan na hindi mailalagay sa kompromiso ang misyon at adbokasiya ng Simbahang Katolika.
Sinabi pa ni Vergara na dapat mapangalagaan ng bawat isa ang kanilang pagkakakilanlan o ‘identity’ bilang kasaping lingkod ng simbahan. —sa panulat ni Angelica Doctolero