Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko laban sa “virus of lies” ng mga troll farm sa social media.
Sa isang pastoral letter, tinawag ni CBCP President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang sinabi niyang “radical distortions” sa kasaysayan ng Martial Law at Edsa People Power Revolution.
Aniya, hindi inimbento ang makasaysayang pangyayari sa Edsa sa halip ito ay bunga ng pagmamahal sa kapwa at pananampalataya.
Nanawagan naman ang CBCP sa publiko kaugnay sa May 9 National at Local Election lalo sa mga kabataan na suriing mabuti ang mga nangyayari para sa paghahanap ng isang tunay at makatarungang lipunan. —sa panulat ni Airiam Sancho