Nagbabala ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa publiko laban sa mga nakikisawsaw sa usapin ng same sex marriage o union makaraang payagan na ito sa ibang mga bansa.
Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, pinaalalahanan nito ang mga mananampalataya na mayroong sariling pag-uugali, tradisyon at Saligang Batas ang Pilipinas na dapat sundin.
Hindi aniya nangangahulugan na dapat sumunod ang Pilipinas sa bansang Ireland kamakailan na bagama’t katolikong bansa, nagawa pa ring isa-ligal ang same sex union.
Para naman kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat manatiling tapat sa kalooban ng Diyos kung nais ng mga Pilipino na manatiling maka-Diyos.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni dating CBCP President at Jaro Archbishop Anghel Lagdameo bagama’t pinapayagan ng batas ng tao ang same sex union, labag pa rin ito sa batas ng Diyos at ng simbahan.
By Jaymark Dagala