Hinimok ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang mga parokya sa buong bansa na manalangin para sa bayan.
Ito’y kaugnay ng pagsisimula ngayong araw ng campaign period para sa barangay at sangguniang kabataan elections sa Mayo 14.
Isang panalangin ang inilabas ng CBCP na babasahin sa lahat ng parokya pagkatapos ng komunyon sa bawat misa mula sa linggo, Mayo 6 hanggang Mayo 13.
Nakasaad sa naturang panalangin ang paghingi sa diyos ng biyaya para sa kaliwanagan ng puso at isip ng mga mamamayan para makapamili ng tamang mga pinuno sa kanilang mga barangay.
Ipinaalala rin ng CBCP ang mga pamantayan para sa isang tunay na pinuno sa mga komunidad na nagtataguyod sa katotohanan, katarungan at pag-aangat sa dignidad ng tao.