Naglabas ng pastoral letter ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa harap ng sunod-sunod na pag-atake sa Simbahang Katolika, sunod-sunod na patayan at iba pang kaguluhan sa bansa.
Hinihikayat ng pastoral letter ang mga mananampalataya na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan para sa lahat.
“In this troubled times in our country, and that means to always strive to bring love where there is hatred, pardon where there is injury, faith where there is doubt, hope where there is despair, light where there is darkness, and joy where there is sadness, from the prayer for peace attributed to saint Francis of Assisi, these our common vocation and mission.
Ayon sa Pastoral Letter ng CBCP, hindi na rin bago ang mga sakripisyo para sa kabutihan ng lahat tulad na lamang ng mga paring pinapatay, mga modernong propeta na pinatatahimik at mga pinapahiya o inaalipustang public servants.
Binanggit rin sa Pastoral Letter ang dusang dinaranas ng maraming mahihirap , gayundin ang mga dinarakip na tambays at ang mga drug addicts.
Ayon sa Pastoral Letter ng CBCP, kinikilala nila ang dusa ng mga biktima ng drug addicts subalit mas makabubuti kung ituturing na isang uri ng sakit ang pagkalulong sa illegal drugs.
—-