Nagpaabot ng pakikiramay ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP sa mga nasawi sa pambobomba sa Pakistan.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman Ng CBCP episcopal commission on migrants and itinerant people, ang maling paniniwala ay naghahatid ng pinsala at kapahamakan sa inosenteng mamamayan.
Binigyang-diin ni Santos na dapat isantabi ng terorista lalo na ang hindi pagkilala sa kahalagahan ng buhay ng bawat mamamayan sa mundong kanilang ginagalawan.
By: Drew Nacino