Iginiit ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, na huwag magpadala ang publiko sa mga pre-election survey sa pagboto sa 2022 elections.
Aniya, hindi dapat maniwala sa mga survey dahil mind-conditioning lang umano ang mga ito.
Paliwanag pa ni Pabillo, ang mga survey ay ginagamit lamang na propaganda tools ng mga pulitiko.
Sinabi pa ng obispo na ang isang lider ay handang ialay ang sarili para sa kapakanan ng iba.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico