Titimbangin ng Kamara ang panukala ng itinatag na consultative committee ni Pangulong Rodrigo Duterte para repasuhin ang 1987 Constitution hinggil sa pagbalangkas ng bagong Saligang Batas tungo sa pederalismo.
Ito’y makaraang maglabas ng babala ang ilang mga eksperto sa batas na miyembro ng komite hinggil sa posibilidad na mas maghirap ang mga Pilipino kapag tuluyan nang nagpalit ang sistema ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay House Deputy Speaker at Cebu Representative Gwen Garcia, bagama’t pakikinggan naman nila ang mga opinyon at rekomendasyon ng binuong komite ng Pangulo pero nasa kamay pa rin ng Kongreso ang pagpapasya kung pakikinggan iyon.
Samantala, naglabas naman ng pastoral guidelines ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP kaugnay ng pagbuo ng bagong Saligang Batas.
Bagama’t nagtataka ang Simbahang Katolika sa pasya ng administrasyon na baguhin ang umiiral na batas, iginiit nito na dapat maging mabusisi at hindi madaliin ang hakbang na ito.
—-