May payo ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP sa mga nagnanais kumandidato sa darating na halalan sa susunod na taon.
Ayon kay CBCP President at Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas, hindi dapat bumase sa mga survey bagkus, dapat sundin ang kunsensya sa pagtakbo.
Aniya, panandalian lamang ang mga inilalabas na survey at malaki ang tsansang magbago pa ang mga ito sa hinaharap.
Kasunod nito, pinag-iingat naman ng arsobispo ang mga nagnanais kumandidato sa mga bumubulong sa kanila dahil sa ito aniya’y posibleng hindi nagmula sa Diyos.
Kaya naman, payo ni Villegas, pakinggan lamang ang bulong ng kunsensya at humiling ng gabay at patnubay mula sa Panginoon.
By: Jaymark Dagala