Dapat fully vaccinated ang mga indibidwal na dadalo sa tradisyunal na simbang gabi.
Ito ay kasama sa inilabas na panuntunan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa gitna pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa .
Pinaalalahanan ng CBCP ang publiko na panatilihin nakasuot ang facemask at sundin ang mga ipinatutupad na health protocols sa loob ng pagdarausan ng misa.
Sa bawat entrance rin ng simbahan, magtatalaga sila ng mga guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.
Samantala, pitumpung porisyentong kapasidad lamang ang papayagan sa loob ng simbahan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa bansa.
Magsisimula naman ang simbang gabi sa darating na December 16 habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.