Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa gobyerno na ipang-tulong na lamang sa mga mahirap na filipino ang budget para sa pagbili ng mga pill at condom.
Ito ang reaksyon ni CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano sa kabila ng naka-umang na implementasyon ng Reproductive Health Law.
Magugunitang napatunayan ng Food and Drug Administration o FDA na ang limampu’t isang (51) contraceptive products na saklaw ng temporary restraining order ng supreme court ay hindi abortifacient o hindi pampalaglag.
Ayon kay Secillano, isang mabuting balita na bilyun-bilyong piso ang ibubuhos para sa pagbili ng contraceptives gayong marami pa ring pinoy ang hindi nakabibili ng gamot kapag nagkakasakit.
Sa halip anya na bumili ng mga “non-abortifacient” na contraceptive ay ipambili na lamang ng pagkain at ipagpatayo ng mga housing project ang pondo na gagamitin lalo’t ang mga ito naman ang tunay na kailangan ng mahihirap.