Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal ng oratio imperata o isang ispesyal na dasal sa gitna ng 2019 novel coronavirus outbreak.
Ayon sa CBCP, ang naturang dasal ay gagawin sa lahat ng weekdays at Sunday masses simula sa Linggo Pebrero 2.
Kasama sa panalangin ang paghinge ng tulong sa diyos na pagalingin sa sakit ang mga taong apektado ng NCov at huwag nang kumalat ang naturang sakit.
Kasabay nito, pinagbawalan din ang mga katoliko na maghawak ng kamay kapag nanalangin ng ”our father” upang maiwasan ang kumalat ang anomang virus.
Ipinag utos din ng simbahan ang palagiang pagpapalit ng holy water, pagtanggap ng komunyon sa kamay at paglalagay ng protective cloth sa confession room.