Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko na manalangin para sa kapayapaan sa gitna ng digmaan sa Ukraine.
Ayon sa Facebook post ni Caloocan Bishop David, na dapat ding ipagdasal ng publiko na ang mga naturang aksyon ay hindi gayahin ng iba pang mga bansa.
Ipinunto ng pangulo ng CBCP na tanging mga industriya ng armas lamang ang nakikinabang sa digmaang sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Matatandaang, umapela si Pope Francis sa mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno sa Ash Wednesday, Marso a-2, na tinawag na “a day of fasting for peace.” —sa panulat ni Kim Gomez