Humingi ng panalangin sa publiko ang bagong CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Pres. at Davao Archbishop Romulo Valles.
Ito’y para sa mga biktima ng bagyong Urduja at Vinta na kapwa nanalasa sa mga rehiyon ng Visayas at sa Mindanao na nasabay pa sa pagdiriwang ng Pasko.
Kasunod nito, nanawagan din si Valles sa lahat ng mga simbahan sa buong bansa na magkasa ng tulong para sa mga sinalanta ng bagyo.
Mahalaga aniya ang damayan sa mga panahong ito lalo’t ang Pasko aniya ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.