Nanawagan ng public consultation ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CPCP) kaugnay sa posibleng pagbuhay sa death penalty.
Sinabi ni CBCP Spokesperson Father Jerome Secillano na naninindigan sila sa pagtutol sa death penalty kayat nais nilang umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsider ang desisyon sa isyu.
Ayon kay Secillano mas mabuting makunsulta rin ang publiko sa naturang usapin at hindi pu-puwedeng magpadalus dalos dahil lamang sa gusto ito ng Pangulong Duterte subalit wala sa saloobin ng mga tao.
Kasabay nito nanawagan si Secillano ng mga reporma sa justice system para magtagumpay sa kampanya kontra kriminalidad.