Muling umapela si Catholic Bishops Conference of the Philippines at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga botante na huwag iboto ang mga tiwaling kandidato.
Ayon kay Villegas, dapat isaisip at isapuso ang pahayag ni Pope Francis nang bumisita ito sa bansa noong Enero na ang korapsyon ang pinaka-malaking krus na ipinapasan ng mga Filipino.
Maaari anyang mapatawad ang mga makasalanan subalit hindi mapatatawad ang mga tiwali dahil hindi naman humihingi ang mga ito ng kapatawaran.
Iginiit ng arsobispo na dapat mag-isip ng daan-daang ulit ang mga botante bago magdesisyon na bumoto at isapuso rin ang kapakanan ng ibang mamamayan lalo ng mga mahirap.
By: Drew Nacino