Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga drug addict na sumuko na upang makaiwas sa posibleng kamatayan.
Ito’y bilang bahagi ng protesta at kampanya ng simbahang katolika laban sa extra-judicial killing na “huwag kang papatay.”
Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ilang parokya na ang nagsimulang maglagay ng mga poster ng ika-limang utos ng diyos na “huwag kang papatay” sa labas ng mga simbahan.
Lumahok din sa kilos protesta ang mga kaanak ng mga pinaslang na hinihinalang drug personality kasabay ng ikatlong araw ng senate hearing hinggil sa extra-judicial killing.
By: Drew Nacino