Nanawagan na ng panalangin mula sa publiko ang Catholic Bishops Conference of the Philippines dahil sa tumitinding tensyon sa pulitika, partikular na sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos jr. at Vice President Sara Duterte.
Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa taumbayan, na ipagdasal ang katahimikan sa Pilipinas, at huwag hayaang hatiin ng mga isyu sa politika at pansariling interes ang bansa.
Ayon naman kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, isantabi muna ang pagkakaiba, at mas pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti sa kapakanan at kaunlaran ng lahat ng Pilipino.
Kaugnay nito, sinabi ni Bishop Santos na handa siyang mamagitan kina pangulong marcos at VP Sara upang magkaayos na ito.