Nanawagan sa publiko ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na ipanalangin ang mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao.
Sa pahayag ni CBCP President at Davao Arch. Romulo Valles, kailangan ngayon ng mga mamamayan ng Mindanao ng panalangin para manatiling kalmado.
Nais rin niyang ipanalangin ang patuloy na malasakitan sa kapwa sa gitna ng mga ganitong klaseng sitwasyon.
Binanggit na rin ni Arch. Valles na naging matindi ang pinsala ng lindol sa isang bago at modernong gusali sa Davao City.