Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na nag sisimbang gabi na patuloy sumunod sa health and safety protocols.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, handa na ang simbahan sa pagdagsa ng mga deboto ngayong misa de gallo sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Dagdag pa ng CBCP Secretary, bagamat bukas sa publiko ang simbahan, hindi parin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions (IATF) ang pagdalo sa mga selebrasyon ang mga bata at mga senior citizens. —sa panulat ni Mara Valle