Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang national government bunsod ng pagkonsidera nito sa mga mahihirap sa vaccination program.
Ayon kay Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay, chairman ng CBCP-Episcopal Commission for Bioethics, mahalagang maprotektahan ang mga mahihirap dahil ang kanilang kalagayan ang dahilan kaya nagiging bantad sila sa impeksiyon at malulubhang sakit.
Sinabi ni Baccay na suportado nila ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagbili ng coronavirus vaccine.
Samantala, nanawagan naman sa mamamayang Pilipino si Baccay na huwag magdalawang-isip sa pagpapabakuna.