Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang hakbang ng national government na unahin ang mga mahihirap na mga Pinoy sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay, pinuri nila ang naturang hakbang ng pamahalaan kung saan isa sa mga mauunang babakunahan ay ang mga mahihirap na Pinoy kung saan kabilang rin sa mga prayoridad na bakunahan ay ang mga health workers.
Ipinakita rin ng CBCP ang suporta sa vaccination program ng pamahalaan at nagpasalamat sila sa mga pribadong organisasyon sa patuloy na pagsuporta sa kinakaharap na pandemya ng bansa.
Gayunpaman, sinabi pa ni Baccay, malaya ang sino man magdesisyon kung gugustuhin nila magpabakuna o hindi.
Samantala kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Health (DOH) na bibigyang prayoridad ang mga mahihirap na Pinoy para maiwasan ang pagkakahawa-hawa sa COVID-19.