Ikinalungkot ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas ang ginawang pagtaboy sa mga tinaguriang boat people o ang mga hinihinalang biktima ng human trafficking sa Myanmar at Bangladesh.
Ayon sa arzobispo, bagama’t wala sa mandato ng mga bansa tulad ng Pilipinas ang tumanggap sa mga inabandona, mayroon namang itong moral na tungkulin na protektahan at kalingain ang mga nangangailangan.
Tulad ng ilang Pilipino, marami rin sa mga mahihirap na bansa ang naghahanap din ng magandang buhay sa ibayong dagat ngunit nakalulungkot aniyang may ilan sa mga ito ang nagbubuwis ng buhay dahil sa pagod at kawalan ng pag-asa.
Kasunod nito, hinimok ng arzobispo ang iba pang mga bansa sa Asya na tularan ang Pilipinas na tulungan ang mga tulad ng boat people na nangangailangan ng tulong at pag-aaruga.
By Jaymark Dagala