Dumistansya si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Pangulo ng CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines sa gaganaping pagtitipon ng mga Anti-Marcos groups sa araw ng Huwebes.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Villegas na hindi sya konektado sa pagtitipon at hindi sya nagbigay ng permiso para gamitin ang kanyang larawan sa online invitation na kumakalat sa social media.
Larawan ni Villegas ang naka kabit sa poster na nag iimbita sa tinaguriang sambayanan o simbang gabi ng siklab bayan na isasagawa ng Coalition Against the Marcos Burial at the Libingan ng mga Bayani o CAMB-LNMB.
Gaganapin ito sa EDSA People Power Monument dakong Alas 9:00 ng gabi sa December 15, kasabay ng pagsisimula rin ng simbang gabi.
By: Len Aguirre