Tiniyak ng CBCP o Catholic’s Bishops Conference of the Philippines na hindi nila hahayaan na makausad ang panukalang ibalik ang death penalty sa bansa.
Ito’y kasunod ng napaulat na nakatakdang pagsasagawa ng Senado ngayong buwan ng pagdinig kaugnay sa nasabing panukala.
Ayon kay CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rodolfo Diamente, gagawin nilang lahat upang mabuksan ang kaisipan ng mga mambabatas sa pangangangalaga at pagbibigay respeto sa dignidad ng buhay ng isang tao.
Dagdag pa ni Diamente umaasa din ang CBCP na paiiralin ng mga Senador ang konsensya sa kanilang pagboto hinggil sa panukala.
Ipinabatid din ng opisyal ng CBCP ang pagkadismaya kay Senador Manny Pacquiao na siyang mangunguna sa gagawing pagdinig gayung kilala ito bilang isang kristiyano.
Gayunpaman, nanindigan si Diamente sa posisyon ng CBCP kaugnay sa usapin ng pagbabalik parausang kamatayan sa bansa.