Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kabataan na tumulong sa pag-aalaga ng kalikasan.
Ayon kay CBCP President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, may magagawa ang mga kabataan para masagip ang kapaligiran at mapigilan ang maglala ng epekto ng climate change.
Malaki rin aniya ang impluwensya ng mga kabataan para himukin ang iba pang miyembro ng lipunan para kumilos na rin.
Kabilang sa mga ipinapangaral ni Pope Francis, ang ama ng Simbahang Katolika ay ang responsibildad ng mga Kristiyano na alagaan ang kalikasan bilang mga katiwala ng Diyos.
By Rianne Briones