Umapela ang Simbahang Katolika sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet.
Inihayag ito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasabay ng kanilang babala laban sa cyber pornography.
Ayon kay CBCP President Archbishop Socrates Villegas, kinakailangang maging responsable ng mga magulang sa pagbabantay sa kanilang mga anak.
Lumabas kasi sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto na kadalasang nabibiktima ng cyber porno ang mga kabataan dahil sa bantad ito sa makabagong teknolohiya.
Batay sa tala ng grupong “The Young Adult Fertility and Sexuality” noong 2013, nasa 56.5 percent ng mga Pinoy edad 15 hanggang 24 ang exposed sa mga pornographic video at pelikula.
Nasa 35.6 percent naman ang nagbabasa ng mga malalaswang babasahin habang nasa 15.5 percent naman ang mga nanunuod at nagtutungo sa mga adult websites.
By Jaymark Dagala