Dapat umanong may kongkreto at pang-matagalang solusyon ang Metropolitan Manila Development Authority sa tumitinding problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.
Ito ang iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Committee on Public Affairs Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa harap na rin ng aniya’y kawalan ng long-term solution ng MMDA sa naturang problema.
Ayon kay Pabillo, hindi uubra ang patrapik-trapik at pakaway-kaway tulad ng ginawa ni MMDA Chairman Francis Tolentino noong isang linggo dahil may halo itong pulitika at pakitang-tao.
By: Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)