Aminado ang Simbahang Katolika na wala silang rason upang kontrahin ang deklarasyon ng Martial law sa Mindanao.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), suportado nila ang batas militar sa gitna ng bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at grupong maute sa Marawi city, Lanao del Sur.
Gayunman, iginiit ng CBCP na dapat ay panandalian lamang ang idineklarang martial law o manatili ito hangga’t hindi nadudurog ang lahat ng miyembro ng teroristang grupo.
Sa halip na batikusin, nananawagan naman ang mga pari at obispo sa publiko na maging mahinahon, magtiwala sa pamahalaan at suportahan ang mga nakikipag-bakbakan sa mga kalaban ng bansa.
By Drew Nacino
CBCP suportado ang batas militar sa Mindanao was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882