Umapela ang CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Pangulong Rodrigo Duterte na iligtas sa kamatayan si Mary Jane Veloso, ang OFW na sentensyadong mamatay sa Indonesia dahil sa pagdadala ng illegal drugs.
Iginiit ni Bishop Ruperto Santos, pinuno ng CBCP Episcopal Commission on migrants and itinerant people na tungkulin ng pamahalaan na umapela ng kapatawaran para kay Veloso.
Hiniling rin ni Santos sa pamahalaan na tutukan ang kaso laban sa mga recruiters ni Veloso upang mapabilis ang pagtatapos ng kaso.
Matatandaan na nakadepende sa kalalabasan ng kaso laban sa di umanoy illegal recruiters na sina Kristina Sergio at Julius Lacanilao kung itutuloy na ang pagbitay kay Veloso sa Indonesia.
By: Len Aguirre