Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na wala silang ineendorsong kandidato.
Ito ang inihayag ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas makaraan siyang bisitahin ni vice presidential candidate na si Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa arzobispo, hindi nagbabago ang kanilang misyon na bigyang edukasyon ang mga botante hinggil sa eleksyon.
Dikta ng konsensya at hindi ng kung sinuman ang dapat manaig sa publiko ani Villegas sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.
By Jaymark Dagala