Mariing iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na wala silang layuning patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.
Ito ang iniyahag ni CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano sa kaniyang naging panayam kaugnay sa nakatakdang aktibidad ng simbahan sa Nobyembre para sa mga biktima ng extrajudicial killings o EJK.
Ayon kay Secillano, ang naturang aktibidad ay walang layuning buwagin ang kasalukuyang administrasyon kundi ang mag-alay ng dasal para sa mga biktima ng EJK.
Sa katunayan aniya ay sinusuportahan nila ang administrasyon ngunit hindi ang serye ng patayan sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
—-