Balak nang umuwi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison mula sa kanyang pagkaka-exile sa Netherlands.
Aminado si Sison na hindi niya maitago ang kanyang tuwa sa pagka-panalo ni Davao City mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.
Naniniwala si Ka Joma Sison na posibleng matapos sa loob ng anim na taon sa ilalim ng administrasyon ni Duterte ang armadong pakiki-baka ng CPP-NPA at umaasa rin sila na palalayain ng bagong pangulo ang mahigit limandaang rebel prisoner na karamiha’y may sakit.
May alok din anya sa kanila na mutual ceasefire sa bagong pamahalaan.
Samantala, tiniyak naman ni Sison na wala na silang mga bihag na sundalo at kung mayroon man ay agad naman nila itong palalayain.
By: Drew Nacino