Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibleng paglusaw sa Conditional Cash Transfer (CCT) Program.
Ayon kay National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Masa, dumadaan na sa evaluation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naturang programa sa kung ano ang tgunay na naidudulot nito sa mamamayan.
Sa pananaw ni Masa, hindi masosolusyunan ng CCT ang problema sa kahirapan at kailanman ay hindi aniya mababago ng naturang programa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa halip na bigyan ng pera ang mga Pilipino sinabi ni Masa na mas mainam na mag-isip ng mga programang pangkabuhayan na makakatulong sa mga mahihirap na Pinoy.
By Ralph Obina | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)