Patuloy ang pagpapatupad ng Conditional Cash Transfer program sa ilalim ng Duterte administration.
Ito ang tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa ginanap na International Conference on Social Work ngayong araw.
Kasabay nito, inilatag din ni Taguiwalo ang kanyang mga plano para sa DSWD kabilang ang efforts upang maibalik sa kanilang mga lupain ang mga katutubong biktima ng militarisasyon gaya ng mga Lumad.
Matatandaang sinimulan ang CCT noon pang panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
By Ralph Obina