Naglagay na ng mga CCTV cameras ang Department of Transportation and Communications gayundin ang Office of Transport Service sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, ito’y bilang bahagi pa rin ng kanilang precautionary measures laban sa tanim o laglag bala o talaba modus sa mga paliparan.
Sinabi ni Abaya, kanilang tututukan at hindi tatantanan ang mga naitatalang insidente ng tanim o laglag bala hanggang sa mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing modus.
By Jaymark Dagala / Raoul Esperas (Patrol 45)