Sinagot na ng MMDA Ang kuwestyon kung bakit hindi nila hinahabol ang mga sinasabing VIP na dumaraan sa Edsa Busway at alegasyong itinago umano ang CCTV footage ng pagdaan ng luxury SUV na may plakang “7” Na iligal na dumaan noong November 3.
Nilinaw ng MMDA na hindi nila itinago ang CCTV footage at sa katunayan ay ibinigay nila agad ang kopya nito sa DOTR-Special Action and Intelligence Committee for Transportation noong mismong araw nang maganap ang insidente.
Ayon kay MMDA Chairman, Atty. Romando Artes, kinabukasan naman ay ibinigay din nila ang footage sa tanggapan ni Senador Raffy Tulfo.
Iginiit din ni Artes na wala na silang tauhan sa busway simula pa noong June 30 dahil ang DOTR-SAICT, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Philippine Coast Guard na ang namamahala sa Edsa carousel.
Ipinaliwanag ng Hepe ng ahensya na na inilipat nila ang kanilang mga tauhan upang matutukan ang mga rerouting dahil sa rehabilitasyon ng mga flyover at tulay sa kahabaan ng Edsa.