Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makatutulong ang CCTV para mapabuti ang sitwasyon ng trapiko sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni MMDA spokeperson Atty. Cris Saruca Jr., ‘yung mga CCTV nuon ay ginagamit sa NCAP ay gagamitin din nila para mapaganda ang monitoring and traffic management.
Ito aniya ay magiging tool para malaman nila kung saan mas maraming deployment ng traffic enforcers, ma-identify ang check points kung saan nagkakaroon ng mga aksidente at pagbaha.
Matatandaang, noong Martes naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagpapatupad ng NCAP, pabor sa petisyon ng ilang transport group sa Maynila, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, at Parañaque.
Samantala, inatasan din nito ang Land Transportation Office (LTO) at lahat ng partido na magbigay ng impormasyon sa mga motorista sa lahat ng Local Government Units, lungsod, at munisipalidad na nagpapatupad ng mga programa at ordinansa ng NCAP.