Matatangap na ng mga residente ng Cagayan De Oro City ang karagdagang mga COVID-19 booster vaccines.
Ayon kay Deputy Speaker at 2nd District Cagayan De Oro City Representative rufus Rodriguez, tinupad ni National Vaccination Czar Secretary Carlito Galvez Jr.,ang kaniyang kahilingang magpadala ng mga booster jabs sa kanilang lungsod.
Dadag ng kongresita, ang mga booster shots ay ipadaraan sa National Vaccination Operations Center (NVOC) sa pamumuno ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Matatandaang noong December 29, 2021, nagpaabot ng liham si Rodriguez kina Galvez at Cabotaje para sa karagdagang booster shots vaccines para maiturok sa mga medical workers, mga senior citizens, person with comorbidities at iba pang frontline personnel. —sa panulat ni Kim Gomez