Tutulungan ng lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro City ang mga taga ritong sundalong nasawi at nasugatan sa pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu.
Tiniyak ito ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno matapos makipag-pulong sa ilang opisyal para ma-verify kung mayruong mga city based na sundalo ng 4th infantry division na kabilang sa mga casualty sa nasabing trahedya.
Kasabay nito ang paghingi ng dasal ni Moreno para sa kaluluwa ng mga nasawing sundalo gayundin sa agarang paggaling ng mga nasugatan sa aksidente.