Hinimok ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang peace panel ng pamahalaan at ng National Democratic Front na tuparin ang pangakong pagdedeklara ng tigil – putukan bago mag Semana Santa.
Sinabi ni Recto na ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga sundalong makasama ang kanilang mga pamilya.
Ayon kay Recto, magandang pagkakataon din ang pagdedeklara ng ceasefire upang makapaghanap ng paraan ang dalawang panig kung papaano tuluyang tutuldukan ang limang dekadang bakbakan.
Kahapon ay inanunsyo na ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na muling itutuloy ang peacetalks, matapos lagdaan ang kasunduan sa Utrecht, The Netherlands.
By: Katrina Valle