Opisyal nang nagdeklara ng ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020.
Ang ceasefire order ng CPP ay para makagawa ng positibong hakbang para sa pagpapatuloy ng peace talks negotiations.
Samantala, nagpahayag naman ang Philippine National Police (PNP) ng pagtalima sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa tigil putukan.