Pinalawig pa ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang idineklara nilang tigil putukan hanggang sa katapusan ng Abril.
Ayon sa CPP, kanila ng inatasan ang New People’s Army (NPA) na ipagpatuloy ang pagtigil sa pagsasagawa ng mga opensiba laban sa puwersa ng pamahalaan.
Nangangahulugan itong, limitado lamang ang aksyon ng NPA sa kanilang defense operations sa kasagsagan ng umiiral na tigil putukan.
Sinabi ni CPP, layunin nitong mas mabigyang prayoridad o matutukan ng pamahalaan ang kasalukuyang krisis sa coronavirus disease pandemic.
Una nang nagdeklara ng ceasefire ang CPP noong Marso 25 na magtatapos sana noong Abril 15, kasabay ng noon sana’y pagtatapos ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.