Nagdeklara ang gobyerno ng 12-araw na ceasefire laban sa mga rebelde ngayong Kapaskuhan.
Inaprubahan ito ni Pangulong Noynoy Aquino base na rin sa naging rekomendasyon ng Defense Department.
Magsisimula ang unilateral Suspension of Military Operation o SOMO simula alas-12:01 ng Disyembre 23 at tatagal hanggang alas-11:59 ng Enero 3 sa susunod na taon.
Una nang nagdeklara ng unilateral ceasefire ang New People’s Army (NPA) kung saan pansamantalang itinitigil nito ang opensiba laban sa tropa ng gobyerno.
By Rianne Briones