Dapat na ipakita sa buong mundo na mas pinapahalagahan ng bansa ang pambansang interes kaysa mga personal na alitan o hindi pagkakaunawaan.
Binigyang diin ito ni Senador Panfilo Lacson matapos ihayag na dapat munang iwasan ang mga batikos o banat sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa administrasyon ngayong magho-host ang bansa ng ASEAN Summit.
Uubra namang magpahayag ng pagtutol o pagpuna ang mga nasa oposisyon subalit dapat ay nakabatay ito sa isyu.
Sinabi ni Lacson na makakabuting itigil muna ang mga personal na pag atake laban sa Pangulo at sa liderato nito dahil mahalagang mas mangibabaw ang pambansang interes kaysa personal na alitan.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno