Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF ngayong kapaskuhan.
Epektibo ang ceasefire mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020.
Ipinag-utos na rin ng Pangulo sa Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maglabas ng opisyal na deklarasyon ng tigil putukan.
Una rito nag-anunsyo ang CPP na magiging epektibo ang kanilang tigil putukan sakaling mag-utos din ang gobyerno.
Makalipas naman ng ilang oras, inanunsyo na rin si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na aprubado na ng Pangulo ang tigil putukan.