Posibleng ideklara na ang ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at New People’s Army sa June 14.
Ayon kay Jose Maria Sison, founding chairman ng CPP o Communist Party of the Philippines, ang tigil putukan ay bilang paghahanda sa posibleng pagsisimulang muli ng peace talks bago matapos ang Hunyo.
Sinabi ni Sison na marami nang isyu ang naresolba sa back channel talks at konting-konti na lamang ang kailangan pangplantsahin.
Inirekomenda aniya ng negotiating panel ng magkabilang partido ang stand-down agreement o paghupa ng labanan, dalawang linggo bago tuluyang buksang muli ang pag-uusap.
—-