Wala nang idedeklarang ceasefire o tigil putukan sa New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kanyang termino.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Duterte, ilang araw matapos sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila irerekomenda ang pagdedeklara ng tigil putukan ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Pangulong Duterte, patay na ang ceasefire, anuman ang magiging intensyon o layunin nito.
Ibinasura na rin ng Pangulo ang posibilidad ng muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at communist party of the philippines national democratic front.
Wala na ‘yon matagal na ‘yon umalis ako, I walked away from the talks because we cannot understand each other. Maybe we were talking in different dialects but I just simply cannot understand the way it was being carried by the other side, what was evolving before me was something that is not acceptable to the Republic of the Philippines, lalo na yang coalition government, no President, no stupid President will, allow it…,″ pahayag ni Pangulong Duterte.
Dagdag ni Pangulong Duterte, kanyang papangalanan at tutukuyin ang lahat ng miyembro ng komunistang grupo bago magtapos ang kanyang termino.
Well I’m trying to sort out what we will do to you because you are now criminals and I said I have pointed out we are not only tagging you… We are identifying you and we will identify you anytime you want but there will be a time before my term ends, I will name all of you, kayong lahat sa NDF,″ ani Pangulong Duterte.