Tuluyan nang tinapos ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ceasefire kahapon, Abril 30.
Sa inilabas na pahayag ng CPP, hindi na palalawihin pa ang tigil putukan dahil sa patuloy pa rin umanong pag-atake ng gobyerno sa New People’s Army (NPA) sa kabila ng umiiral na ceasefire.
Ayon sa CPP, nakiisa sila sa inanunsyong ceasefire ng gobyerno upang mapagtuunan ng pansin ang pagtugon sa banta ng COVID-19.
Natapos ang tigil putukan sa panig ng gobyerno nuong Abril 15 habang pinalawig pa umano ng CPP ang kanilang ceasefire hanggang sa Abril 30.
Una rito, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang ginagawang pag atake ng mga rebelde sa mga sundalo maging sa mga humanitarian service ng mga ito.